Plenary deliberation ng panukalang pondo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, tinapos na ng senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinapos na ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang deliberasyon sa plenaryo ng panukalang P5.768 trillion 2024 national budget.

Matapos ang dalawang linggong marathon hearing, natapos na kaninang pasado alas-4 ng madaling araw ang deliberasyon sa panukalang pondo ng iba’t ibang ahensya at opisina ng gobyerno.

Matapos nito ay sasalang na sa period of amendments ang panukalang 2024 budget, at sa susunod na  linggo ay target ng Senado na maaprubahan na ito sa ikalawa at ikatlong pagbasa.

Kabilang sa mga napag-usapan sa mga nakalipas na deliberasyon ang pag-aalis ng confidential fund ng iba’t ibang civilian agencies habang binawasan naman ang confidential funds ng ilan gaya ng Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ).

Ang P5.768-trillion proposed budget para sa susunod na taon ay mataas ng 9.5% kumpara sa budget ngayong taon.

Sa naturang panukalang pondo, P4.302 trillion ang new appropriations kung saan P4.2 trillion ang programmed funds at P281.908 billion ang unprogrammed.

Magsisilbi namang automatic appropriations ang P1.748 trillion. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us