PNP Anti-Kidnapping Group, umaasang buhay pa ang mag-inang kabilang sa 6 na mga dinukot na Chinese nationals sa Muntinlupa City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Palaisipan pa rin sa PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) kung ano ang motibo sa nangyaring pagdukot sa anim na indibiduwal sa Ayala Alabang sa Muntinlupa City noong October 30.

Ito ang tinuran ni PNP AKG Director, Police Brigadier General Cosme Abrenica makaraang kumpirmahin nito na apat sa anim na mga biktima ang natagpuang patay sa Rizal at Quezon.

Ayon kay Abrenica, dalawa sa mga ito ay natagpuang namamaga at hindi na makilala sa Marilaque sa Tanay, Rizal noong Undas, November 1.

Habang ang bangkay ng dalawang iba pa ay natagpuan sa Infanta, Quezon na kalauna’y natukoy na lalaking magkapatid matapos magpositibo sa DNA testing mula sa kanilang mga magulang buhat pa sa China.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Abrenica na nawawala pa rin ang isang 11-taong gulang na batang lalaki at ang nanay nito, habang una nang pinalaya ang apat na Pilipinang sinasabing kasambahay ng mga biktima.

Ayon kay Abrenica, hindi pangkaraniwang kaso ito ng pagdukot dahil sa wala namang hinihinging ransom at wala ring pakikipag-ugnayan sa pamilya.

Kaya naman maingat sila sa pagsisiyasat sa kung ano ang puno’t dulo ng kaso at kung paano naman nila matutunton ang mastermind. | ulat ni Jaumark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us