PNP Chief Acorda, umaasang mas mahaba ang magiging termino ng hahalili sa kanya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. na mas mahaba ang magiging termino ng sinumang papalit sa kanya sa puwesto.

Sa panayam kay Acorda sa Baguio City nitong weekend, sinabi niyang kung magpapatuloy ang tinatawag na “Back door policy” sa PNP, posibleng mabalam ang mga ipinatutupad na reporma at programa sa Pambansang Pulisya.

Partikular na inihalimbawa rito ni Acorda ang taunang pondo ng PNP kung saan, bawat pagpapalit sa liderato ay magreresulta sa pagpapalit ng prayoridad.

Magugunitang sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP), umiiral na ang 3 years “fixed term” para sa AFP Chief of Staff at mga senior officer nito salig sa Republic Act 11709 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Acorda na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sambisig” Class of 1991 ay nakatakdang magretiro bilang ika-29 na pinuno ng Pambansang Pulisya sa December 3. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us