Walang pang nakikitang proof of life ang PNP CIDG4A sa nawawalang beauty pageant contestant na si Ms Catherine Camilon.
Ayon sa pabatid ng CIDG-4A, ginagawa ng ahensya ang lahat upang makita at maibalik si Ms Catherine buhay man o patay.
Samantala, inihayag ng CIDG4A na kailangan din na isailalim sa DNA test ang suspek na si Police Major Allan De Castro.
Bukod sa hawak na ng CIDG ang opisyal na resulta ng DNA test ng magulang ni Ms Catherine, hawak na rin ng mga ito ang biological evidences na natagpuan sa abandonadong SUV.
Dinala na ng CIDG4A sa Batangas Prosecutor’s Office ang mga dokumento na magpapatibay sa kaso laban sa mga suspek sa pagkawala ni Ms Camilon. | ulat ni Mae Fromaran | RP1 Lucena
Photo: Catherine Camillon FB