Tinatayang aabot sa 115 million ang populasyon ng Pilipinas sa pagtatapos ng taong kasalukuyan, base sa 1.6% annual growth rate ng populasyon ng bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Commission on Population and Development Director Lolito Tacardon na sa pinakahuling census ng pamahalaan noong 2020, nasa 109 million na ang populasyon ng Pilipinas.
Kung ang population size aniya ang pag-uusapan, ang Pilipinas ay pang-13 sa itinuturing na most populous country sa buong mundo.
Habang sa Asia- Pacific Region, pang- pito ang bansa.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang opisyal sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Population and Development Plan of Action 2023 – 2028.
Layon nitong tugunan pa ang mga hamong kinahaharap ng Pilipinas sa usapin ng populasyon at upang ma-maximize ang demographic opportunities ng bansa.
“Ito po ay accompanying or support document actually para sa ating Philippine Development Plan. Ang hangarin ng plano natin ng Philippine Population and Development Plan of Action ay para ma-optimize iyong mayroon po tayong demographic opportunity at ma-address iyong mga key population challenges.” —Tacardon.| ulat ni Racquel Bayan