Post earthquake assessment, patuloy na isinasagawa ng LGU General Santos City at Sarangani Province

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa isinagawang press conference noong Sabado na pinangunahan ni GenSan Mayor Lorelie Pacquiao, iniulat ni Dr. Agripino Dacera head ng Gensan City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO nga sa pagtama ng magnitude 6.8 na lindol, 531 na indibidwal ang dinala sa ospital kung saan 32 rito ang na-confine habang 509 ang nakaranas ng hyperventilation at minor injuries na agad namang pinauwi matapos malapatan ng gamot.

Samantala, nagkaroon naman ng maliliit na pinsala sa 30 silid aralan at 11 gusali sa mga paaralan sa General Santos. Iniulat din ng DPWH GenSan na isang lumang tulay, ang Buayan Bridge ang napinsala subalit maaari namang dumaan sa bagong Buayan Bridge ang mga bumibiyahe patungong Sarangani Province.

Base sa inisyal na report ng City Engineers Office sa mga malls, naitala lamang ang pinsala sa mga non-structural members ng gusali tulad ng kisame, partisions at iba pa. Siniguro naman ni Mayor Pacquiao na mabibigyan ng agarang tulong ang mga naging biktima ng lindol.

Nangako rin si City Mayor Pacquiao na magbibigay ng tulong sa mga pamilyang nakatira sa may tabing-dagat na nasiraan ng bahay at mga bangka. Hinihintay ni City Mayor Lorelie Pacquiao ang pinal na listahan ng mga biktima para mabigyan sila ng agarang tulong.

Nakahanda na rin ang City Social Welfare and Development kasama ang City Health Office para magbigay ng psychosocial na tulong sa mga biktima ng lindol na dumaranas ng trauma.

Habang sa probinsiya ng Sarangani, nagsagawa rin ng inspeksyon si Sarangani Gov. Roel Pacquiao sa mga bayan ng Malapatan at Glan na kabilang sa.mga lugar na tinamaan ng lindol.

Madadaanan na rin ang national highway mula Glan patungong General Santos City matapos itong isara dahil sa mga malalaking batong nahulog sa kalsada dulot ng malakas na lindol noong Biyernes.

Ilan din sa mga kabahayan, gusali at imprastruktura ang napinsala sa Gan at Malapatan.

Nagkaroon naman ng collaborative post-earthquake meeting noong Sabado ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaang lokal ng lalawigan ng Sarangani sa pangunguna ni Gov. Pacquiao para i-assess and lahat ng pangangailangan na mga nabiktima ng lindol.

Sa ngayon, walang pasok ang mga mag-aaral sa General Santos City maging sa Sarangani gayundin ang mga emepleyado ng gobyerno kung saan sa ipinalabas na Executive Order nia Mayor Lorelie Pacquiao ng GenSan at Gov. Roel Pacquiao ng Sarangani Province, inirekomenda nito ang pagkakaroon ng work from home arrangement sa mga empleyado at online class sa mga estusyante habang nagpapatuloy ang post-earthquake assessment upang masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado at mga mag-aaral. | ulat ni Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us