Approved in principle na sa Komite sa Kamara ang panukala para bigyan ng prangkisa ang isinusulong na Negros Electric Power Corporation o NEPC.
Ito ay sa pagitan ng joint venture agreement (JVA) ng Primelectric Holdings Inc. at Central Negros Electric Cooperative, Inc.
Pagbabahagi ni Roel Castro, President at CEO ng Primelectric, na positibo ang tugon ng House Committee on Legislative Franchises sa hinihinging prangkisa kung saan makikinabang ang 200,000 customers sa Negros kabilang ang Bacolod City, Bago, Talisay, Silay, Don Salvador Benedicto at Murcia.
Pinagsusumite pa rin ng komite ang CENECO at Primelectric ng ilang mga dokumento at position papers para sagutin ang ilang isyu gayundin ang ERC at National Electrification Administration.
Sa kasalukuyan mayroon pang 7 taon sa orihinal na prangkisa ng CENECO para mag-operate.
Lumagda sa JVA ang CENECO at Prime para ma-upgrade ng CENECO ang kanilang imprastraktura at ayusin ang power interruptions at system losses sa sineserbisyuhang lugar. | ulat ni Kathleen Jean Forbes