Precision paradrop simulation, isinagawa sa AJEX DAGITPA 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-deploy ng dalawang S-70i Blackhawk helicopter ang Philippine Air Force para sa military freefall o paradrop simulation ng Field Training Exercise o FTX 5 ng Armed Forces of the Philippines’ Joint Exercises Dagat-Langit-Lupa (AJEX DAGITPA).

Ang pagsasanay ay isinagawa nitong Sabado sa Culili Point, Paoay, Ilocos Norte.

Kalahok dito ang mga aircrew ng Philippine Air Force (PAF) 205th Tactical Helicopter Wing, at para-jumpers ng Philippine Army (PA) Light Reaction Regiment, Special Forces Regiment (Airborne), First Scout Ranger Regiment, Philippine Navy (PN) Force Reconnaissance Group.

Itinanghal sa military free fall exercise na ito ang interoperability ng iba’t ibang sangay ng AFP at ang kapabilidad ng mga tropa na magsagawa ng precision airdrop na mahalaga sa mga aktwal na misyon. | ulat ni Leo Sarne

📷: PAF

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us