Pres. Marcos Jr., di na tutuloy sa Dubai, UAE para sa COP28

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na tutuloy si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) para sana sa ika-28 United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28), simula ngayong araw, November 30, hanggang sa Sabado, December 2.

Sa pahayag na inilabas ng Pangulo, sinabi nito na ang desisyong ito ay mayroong kinalaman sa development sa hostage situation na kinabibilangan ng 17 Filipino seafarers sa Red Sea.

Ayon sa Pangulo, ngayong araw, November 30, magpapatawag siya ng pulong, upang i-facilitate ang pagpapadala ng high-level delegation patungong Tehran, Iran.

Layon ng ipadadalang delegasyon na makapagbigay ng kinakailangang assistance sa mga seafarer.

“Today, I will be convening a meeting to facilitate the dispatch of a high-level delegation to Tehran, Iran, with the aim of providing necessary assistance to our seafarers,” pahayag ng Pangulong Marcos.

Kaugnay sa COP28 si Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ang mangunguna sa Philippine delegation, na ginaganap na ngayon sa Dubai, UAE.

“I have entrusted DENR Secretary Ma. Antonio Yulo-Loyzaga to lead the COP28 delegation and articulate the country’s statement on my behalf,” ani Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us