Pres. Marcos Jr, inilahad sa business leaders ang mga dahilan kung bakit dapat maglagak ng kanilang negosyo sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang Philippine Economic briefing sa San Francisco, California ang mga rason kung bakit magandang maglagak ng pagnenegosyo sa Pilipinas.

Sa harap ng malalaking business leaders ay inihayag ng Pangulo ang “anyway favorable business climate” sa Pilipinas na kung saan ay nakapagtala ang bansa ng highest GDP growth noong 2022.

At nito lamang aniyang nakaraang linggo ay tumaas pa ito ng 5.9 na porsiyento na ayon sa Pangulo ay fastest growth sa hanay ng iba pang mga bansa sa Asia.

Kasama din sa inilahad ng Pangulo sa mga negosyante ang naitalang pagbaba ng inflation at committed aniya Ang pamahalan na mapanatili Ang price stability.

Ilan din sa binanggit na rason ng Pangulo na magandang dahilan para maglagak ng puhunan sa bansa ay ang patuloy na pagtataguyod ng high value investment at Inaasahang high influx of business habang naririyan din ang alok na corporate tax incentives. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us