Pres. Marcos Jr, iniutos ang patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng pagyanig sa Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tuloy-tuloy na asiste para sa mga apektado ng lindol na tumama sa Mindanao.

Ang kautusan ay ginawa ng Pangulo sa harap ng patuloy na pagtutok nito sa ginagawang hakbang ng pamahalaan kasunod ng naganap na malakas na pagyanig.

At sa harap ng naganap na lindol na grabeng tumama din sa Saranggani ay nagbabala din ang Chief Executive sa pagkalat ng fake news.

Dapat, sabi ng Pangulo, na maging mapanuri sa mga impormasyong lumalabas na posibleng lumikha ng takot at panic sa hanay ng mamamayan.

Pinulong ng Pangulo kahapon ang ilang opisyal ng pamahalaan na may kinalaman sa disaster sa pamamagitan ng video conference at kabilang dito sina Department of National Defense (DND) Secretary
Gilbert Teodoro, Office of Civil Defense (OCD) Chief Ariel Nepomuceno, Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Edu Punay. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us