Asahan na tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo partikular na sa presyo ng kerosene at diesel.
Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Bureau Assistant Director Rodela Romero, magtataas ng P0.20 hanggang P0.40 sentimo ang kada litro ng diesel habang tataas naman ang presyo ng kerosene sa P0.35 hanggang P0.50 sentimo kada litro.
Ayon pa kay Romero, ilan sa mga rason ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ay ang pagbaba ng produksyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) gayundin ang pagtaas ng mga lingguhang imbentaryo ng krudo ng US.
Samantala, ang presyo naman ng gasolina ay mananatiling mababa ng diyes sentimo kada litro.
Samantala sa darating na Lunes ilalabas ng mga kumpanya ng langis ang pinal na itataas na presyo ng produktong petrolyo na ipapatupad tuwing Martes. | ulat ni AJ Ignacio