Probinsya ng Eastern Samar, isinailalim sa state of calamity

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Eastern Samar bunsod ng matinding pagbaha.

Ito’ y matapos aprubahan ang Resolution No. 118, Series of 2023, “A Resolution Declaring a State of Calamity in the Province of E. Samar due to Incessant Rainfall and Massive Flooding Caused by shear line and LPA” ng Sangguniang Panlalawigan ng Eastern Samar, sa pangunguna ni Acting Vice Governor Mark Pol Gonzales, Myerkules, Nobyembre 22.

Ito ang inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pangunguna ni Acting Gov. Maricar Sison Goteesan kasunod ng walang tigil na pag-ulan dulot ng shear line na nagresulta ng malawakang pagbaha at pagkasira ng mga pananim.

Kaunay nito, nasa 12,885 ang inisyal na bilang ng mga pamilya o 50,057 indibidwal mula sa walong bayan sa E. Samar ang naapektuhan ng matinding ulan at pagbaha.

Batay sa pinakahuling tala ng PDRRMO, sa mahigit labing dalawang libong apektadong pamilya, 1,648 ang inilikas o katumbas sa 5,776 indibidwal at dinala sa kani-kanilang evacuation center.

May mga napaulat na pagbaha sa bayan ng Jipapad, lahat ng 13 barangay, Maslog-12 barangay Arteche- 9 barangay, Oras- 24 barangay, Dolores-25 barangay, at Can-avid- 8 barangays.

Samantala, nasa P4.3-M na ang danyos sa agrikultura mula sa dalawang bayan, kung saan ang Dolores ay nakapagtala ng mahigit P900K pinsala sa palayan at gulayan, habang sa bayan ng Maydolong P3.3M na taniman ng gulay at root crops.

Patuloy pa ang pagsusuri ng iba pang LGU sa lawak ng pinsala sa agrikultura, livestock, poultry, at fisheries.

Nagsasagawa na ng relief operation sa mga apektadong pamilya ang mga pamahalaang lokal maging ang pamahalaang panlalawigan ng Eastern Samar katuwang ang DSWD. | ulat ni Pen Pomida | RP1 Borongan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us