Problema sa industriya ng abaca at niyog sa Catanduanes, tututukan ni Sen. Imee Marcos
Kasabay ng pagbisita sa Catanduanes ni Senator Imee Marcos nitong Nobyembre 23, inihayag nito na tututukan niya ang problema sa industriya ng abaca at niyog sa lalawigan.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Catanduanes sa senadora, ibinahagi nito na sa ginanap na hearing sa abaca ay kanilang natukoy na ang problema sa Catanduanes ay ang pagbagsak ng presyo nito, gayundin sa kopra, kaya kailangan aniyang tulungan ang mga magsasaka.
Dagdag pa niya, pinag-uusapan na aniya ang ‘direct processing’ para sa byproducts ng niyog tulad ng oil, juice at iba pa. Aniya, yan ang kailangang gawin dahil kung aasa lamang sa kopra ay talagang mahihirapan ang industriya.
Sa huli, sinabi ni Sen.Imee Marcos na nakipag-ugnayan na siya kay Governor Joseph Cua, tungkol sa pagpapatuloy ng kanyang paghahatid ng tulong sa lalawigan, partikular na sa marginal farmers ng abaca, coconut farmers at mga mangingisda dahil sa kahirapan ng mga nasa coastal area. | ulat ni Jann Tatad | RP1 Virac