Progressive solon, ikinalugod ang pagbuhay sa peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at NDFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang pagtanggap ni House Deputy Minority Leader France Castro sa muling pagbuhay ng pamahalaan sa peace negotiations kasama ang National Democratic Front of the Philippines.

Aniya, magandang hakbang ito upang tugunan ang mga hamon at suliranin kabilang ang isyung pangkalikasan at foreign security threats.

Welcoma para sa mambabatas na makalipas ang anim na taon ay magbabalik sa negotiating table ang dalawang panig.

Kumpiyansa naman ang ACT Teachers party-list representative na tuluyan nang mareresolba ang armadong pakikibaka upang makamit ang kapayapaan.

Ipinunto naman nito na mahalagang maging bahagi ng negosasyon ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms kung saan oras na maikasa ay tutugon sa hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us