“PROJECT HARBAGE: Harvesting Garbage” ng Team Garvesters mula sa San Quintin National High School sa Pangasinan Wagi sa Southeast Asian Waste Hero Awards 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ng San Quintin, Pangasinan LGU ang Team Garvesters ng San Quintin National High School sa muling pagkatawan sa naturang bayan at sa buong Pilipinas sa Southeast Asian Waste Hero Awards 2023 (Southeast Asian Country International Competition).

Sa kabuuang 242 entries sa buong Southeast Asia, ang proyekto ng naturang team na tinawag na “PROJECT HARBAGE: Harvesting Garbage” ay nakakuha ng 1st place. Sinundan sila ng Arts n’ Trash ng Situbondo, Indonesia at 3rd place naman ang Four Recycling Girls ng Keramat, Malaysia.

Layunin ng PROJECT HARBAGE na makamit ang zero-waste na kapaligiran sa pamamagitan ng pagmotivate  sa mga mag-aaral na makibahagi sa waste management o wastong segregation ng basura kung saan maipapalit ito sa katumbas na item o gantimpala.

Kaugnay nito maipapalit ang isang kilo ng mga basurang papel, plastic wrappers o plastic bottles sa halagang P10 na  available supplies gaya ng ballpen, papel, pagkain at iba pa.

Ayon sa LGU ito na ang pangalawang pagkakataon na nanalo ang paaralan sa parehong internasyonal na kompetisyon matapos maiuwi ang unang pwesto noong 2021. | via Mildred Coquia | RP1 Tayug

Photos: San Quintin LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us