PSA, pinalawak pa ang PhilSys Registration Efforts gamit ang “PhilSys on Boat”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang “Philsys on Boat” para sa pagpaparehistro sa mga malalayong coastal barangay sa bansa.

Dahil dito, mas mapapalawak pa ang pagpaparehistro sa Philsys para sa mga mamamayan gaano man kalayo ang lokasyon.

Ginagamit na rin ito ang ng Provincial Statistical Office (PSO) Basilan sa pagpaparehistro sa Barangay Tampalan sa isla ng Malamawi, Isabela City, Basilan.

Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa, nasa huling yugto na ng registration sa PhilSys, at prayoridad na maabot ang bawat Pilipino sa pinakamahirap at malalayong lugar.

Bukod sa “Philsys on Wheels”, katuwang na ang “Philsys on Boat” para marating ang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas at mga coastal barangay.

Sabi pa ni Mapa hanggang Oktubre 27, umabot na sa 81,492,399 Filipinos ang nakapag rehistro na sa Philsys. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us