Public-private partnership sa Pilipinas, ipinagmalaki ni Finance Sec. Diokno sa harap ng APEC Business Advisory Council

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang halaga ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang partisipasyon ng pribadong sektor sa pag-unlad ng Pilipinas.
Ito ang ibinahagi ni Diokno sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Business  Advisory Council (ABAC).

Ayon sa kalihim, nakahanda ang administrasyong Marcos Jr. na suportahan at makipagtulugan sa private sector tungo sa tunay na inklusibo at sustainable na paglago.

Aniya, dahil sa maayos na kolaborasyon ng public at private sector, itinutulak nito ang innovation at pagpapaganda ng buhay ng bawat isang Pilipino.

Kaya importante, aniya, sa APEC member economies na maging magkakaugnay gaya ng ABAC Meeting dahil kritikal ito upang matiyak ang kaunlaran at seguridad para sa lahat ng ekonomiya.

Kabilang sa shared vision ng APEC ang makamit ang isang “open, dynamic, resilient and peaceful Asia-Pacific community” sa taong 2040 para sa ikauunlad ng mga susunod na henerasyon. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us