Publiko, pinag-iingat sa mga pekeng programa ng DSWD sa social media

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development na may programa itong “Unemployment Financial Assistance”.

Naglabas ng pahayag ang DSWD kasunod ng kumakalat na kahina-hinalang link sa Facebook post at Messenger.

Ayon sa post, magbibigay umano ng unemployment financial assistance na $1,000 ang DSWD sa makakasagot sa isang survey.

Paglilinaw ng DSWD, walang pinapasagutang survey questionnaire ang ahensya kapalit ng unemployment financial assistance.

Anila, sinumang makakaranas ng krisis ay maaaring humingi ng tulong sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Pinayuhan ang publiko na huwag mag-click ng kahit anumang link na ipinapadala sa mga Messenger na hindi galing sa official Facebook page ng DSWD.

Maaari lang silang makipag-ugnayan sa official social media accounts at website ng DSWD para sa anumang concerns at pangangailangan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us