Nakibahagi rin ang mga kawani ng Quezon City Hall sa ikinasang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong umaga.
Pinangunahan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang ginawang evacuation drill sa City Hall grounds na nilahukan rin ng mga personnel ng QC LGU.
Pagpatak ng 8:50am, pinatunog ang malakas na alarma para sa 7.2 magnitude na scenario ng lindol kasunod ng pakikiisa sa “duck, cover and hold” exercise.
Isa-isang nagbabaan ang mga empleyado pati mga bisita at nagtipon sa City Hall Risen Garden.
Dito nakaset up ang Incident Command Post kung saan isinagawa ang reporting at rapid damage assessment.
Layon ng aktibidad na ipakita ang kahandaan ng mga kawani ng pamahalaang lokal sa posibilidad na tumama ang isang malakas na lindol sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa