Patuloy ang pagtaas ng kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD) sa Lungsod Quezon.
Dahil dito, nagsasagawa na ng case investigation ang Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit para labanan ang HFMD.
Ginawa ang hakbang upang matukoy ang mga indibidwal na nakakaranas ng mga sintomas, at mapigilan ang patuloy na hawaan ng sakit partikular na sa mga batang may edad isa pataas.
Hinihikayat ng Quezon City LGU ang mga residente na agad i-report sa pinakamalapit na health center sakaling makaranas ng sintomas ng naturang sakit.
Batay sa datos, 600 kaso ng HFMD ang naitala mula Enero hanggang ngayong buwan ng Nobyembre. | ulat ni Rey Ferrer