Rafael Consing Jr., itinalaga ni PBBM, bilang President and CEO ng Maharlika Investment Corporation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., si Rafael Jose Consing Jr. bilang President and Chief Executive Officer ng Maharlika Investment Corporation.

Si Consing ay Executive Director ng Office of the Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs | Financial Risk Management ( OPAIEA).

Si Consing ang tumututok sa day-to-day operation ng OPAIEA habang nagbibigay rin ito ng policy recommendations sa mga economic and investment agenda ng Pangulo.

Bago nagtrabaho sa gobyerno ay nagtrabaho muna ito sa pribadong sektor at ilan sa mga high-profile position na hinawakan nito ay ang pagiging Senior Vice President & Chief Financial Officer ng International Container Terminal Services, Inc.

Dito ay nakatanggap ng maraming pagkilala si Consing dahil sa ipinamalas nitong galing sa capital structuring, management and execution, treasury and risk management, investor relations, corporate finance, and compliance.

Nagsilbi rin siyang managing director ng HSBC Hong Kong at HSBC Singapore na doon ay kanyang pinangunahan ang debt financing teams habang naging bahagi din si Consing ng Aboitiz & Co., Inc. and Aboitiz Equity Ventures, Inc. bilang vice president at treasurer.

Bukod dito ay humawak din ng posisyon si Consing sa Bankers Trust Company at Multinational Bancorporation. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us