Railway projects ng Marcos admin, posibleng pondohan sa ilalim ng ODA at PPP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinukonsidera na ng Department of Transportation (DOTr) na gamitin ang Official Development Assistance o di kaya’y sa ilalim ng Public Private Partnership o PPP para pondohan ang mga railway project na nabinbin makaraang putulin ang dapat sana’y pagpopondo rito ng China.

Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, kabilang sa mga nakabinbing railway project ay ang South Long Haul Project, Mindanao Railway Project at Subic-Clark Railway.

Sakaling maselyuhan ang mga proyekto sa ilalim ng ODA o PPP, sinabi ni Bautista na kakailanganin pa ring maglabas ng pera ng pamahalaan para naman sa pagbili ng ‘right of way’ para sa mga naturang proyekto.

Kasunod nito, tinitingnan na rin ng DOTr kung maaaring ilapit sa Japan International Cooperation Agency o JICA, World Bank at Asian Development Bank para pondohan ang mga nabanggit na railway projects. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us