Wala nang plano ang Commission on Elections (Comelec) na alisin ang random manual audit sa tuwing magsasagawa ng eleksyon sa bansa.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, mandato ito ng batas at hindi dapat mawala tuwing halalan.
Napatunayan din ng Comelec, na epektibo ang random manual audit dahil ito ang nakakapagpatunay kung tama ang naging bilang ng mga boto sa paggamit ng mga PCOS machine.
Sa nagdaang mga halalan, laging nagsasagawa ng random manual audit ang Comelec para ipagkumpara ang mga boto ng makina sa mga balota na pinasok dito.
Bukod sa random manual audit, pananatilihin na rin ng Comelec ang mga member at component nito.
Umaasa si Garcia, na mababawasan na ang anumang pagdududa sa kredibilidad ng halalan sa bansa dahil maikukumpara na ang resulta ng eleksyon na inilabas ng mga makina, at resulta sa random manual audit. | ulat ni Michael Rogas