Muling ipinagpapatuloy sa General Santos City ang pamamahagi ng relief assistance para sa mga empleyado ng malls na apektado sa magnitude 6.8 na lindol sa lungsod noong November 17, 2023.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 500 empleyado ng malls sa General Santos City ang nakatanggap ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kinabibilangan ng manggagawa sa SM Mall, KCC/Veranza Mall, Robinson’s Mall at Gaisano Mall.
Ang tulong na ito ay bilang katuparan sa inisyatiba ni City Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng GenSan.
Maaring hintayin ng mga benepisyaryo ang instructions at koordinasyon mula sa LGU sa pamamagitan ng HR para tuloy-tuloy ang maayos at matiwasay na pamamahagi ng tulong para sa mga empleyado ng malls.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao