Naghanda ang tanggapan ni Senior Deputy Minority leader at Northern Samar Representative Paul Daza ng relief goods at hygiene kits para sa mga nasalanta ng pagbaha sa Northern Samar First District.
Maliban dito ay namahagi rin ng hot meals para sa mga lumikas.
Nanawagan naman si Daza sa mga nais tumulong na priority donations na kailangan ang canned goods, drinking water, self-hygiene kits at essential food items.
Kasabay nito ay sinaluduhan din ng mambabatas ang mga rescue team at volunteers mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Disaster Risk Reduction & Management Office (DRRMOs), Philippine Red Cross, at iba’t ibang ahensiya at pribadong tao na walang kapagurang nagkaisa at umayuda sa mga binaha.
Ang pagbaha sa lalawigan ay bunsod ng mga pag-ulan dala ng low pressure area at shear line. | ulat ni Kathleen Jean Forbes