Kinumpirma ng Malacañang na nagbitiw na sa pwesto si Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, nagsumite ng resignation si Soriano, upang mabigyang prayoridad ang ilang personal commitment nito.
Kabilang na dito ang paglalaan ng oras sa kaniyang pamilya at sa bagong silang na anak.
Kung matatandaan, buwan ng Hulyo, bago pa man ang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong July 24, nang maghain ng leave of absence si Soriano, dahil sa personal na rason.
Sa kasalukuyan, wala pa aniyang pumalit kay Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications.
“Presidential Adviser Paul Soriano took a well-deserved break to spend time with his family and newborn daughter. He has since submitted his resignation to prioritize his personal commitments. There is no replacement for the role of Presidential Adviser on Creative Communications for now,” ani PCO Sec. Garafil. | ulat ni Racquel Bayan