Resolusyon para hikayatin ang PCO na palakasin ang public awareness sa isyu sa WPS, inihain sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain si Senador Robin Padilla ng isang resolusyon para hikayatin ang Presidential Communications Office (PCO) na palakasin ang public awareness tungkol sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, layon nitong kontrahin ang banta mula sa mga propaganda, misinformation at fake news tungkol sa WPS issue.

Sa Senate Resolution 864 ni Padilla, pinatitiyak ng senador na mapaiintindi ng publiko ang mga dokumento at kasunduan sa likod ng mga kilos ng pamahalaan ng Pilipinas tungkol sa isyu sa WPS.

Kabilang na dito ang:

  • UNCLOS
  • 2016 Arbitral Ruling
  • US-Philippines Mutual Defense Treaty
  • Reciprocal Access Agreement

Giit ng senador, tungkulin ng PCO na magbigay ng klaro, up-to-date at tamang impormasyon tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa security challenges na kinakaharap ng ating bansa.

Binigyang diin naman ng mambabatas na hindi kasama sa magiging public information at awareness campaign ng PCO ang mga usapin na posibleng makakompromiso sa defense at security ng Pilipinas.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us