Resolusyon para pagtibayin ang proklamasyon ni PBBM na magbibigay amnestiya sa mga dating rebelde, inihain

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain na sa Kamara ang apat na magkakahiwalay na Concurrent Resolution upang mapagtibay ang inilabas na proklamasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maggagawad ng amnestiya sa dating mga miyembro ng iba’t ibang rebeldeng grupo.

Salig sa House Concurrent Resolutions 19, 20, 21 at 22 bibigyang amnestiya ang dating mga miyembro ng MILF, MNLF, Rebolusyunaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/ Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade at Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front.

Salig ito sa proclamations 403, 404, 405 at 406 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maggawad ng amnestiya sa dating mga miyembro ng naturang mga rebeldeng grupo na lumabag sa Revised Penal Code at Special Penal Laws bunsod ng kanilang political beliefs.

Sa isang pahayag, sinabi ni Speaker Martin Romualdez na buong puso ang kaniyang pagsuporta sa desisyon na ito ng presidente na buksan muli ang negosasyong pangkapayapaan.

Isa aniya itong matapag at mahalagang hakbang tungo sa layuning makamit ang isang mapayapa, nagkakaisa at progresibong bansa.

“Batid namin na ang pagbabalik negosasyon ay hindi nangangahulugan ng tigil-putukan sa magkabilang panig. Simula lamang ito sa mahabang landas na lalakbayin natin tungo sa kapayapaan. Gayunpaman, umaasa ako na walang anumang kondisyon ang magpapatigil sa usapang pangkapayapaan.”, diin ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us