Revised Book of Judicial Form, inilunsad na ng Supreme Court 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan nang ilunsad ng Supreme Court ang binagong aklat para sa Judicial Forms na magagamit ng mga huwes at abogado. 

Mismong si Chief Justice Alexander Gesmundo ang nanguna sa paglulunsad ng revised book kasabay ng panunumpa ng mga bagong talagang huwes sa iba’t ibang lugar sa bansa. 

Ang binagong aklat na ito ay magpapadali sa trabaho ng mga huwes at mga abogado sa paghahain ng kanilang mga kautusan at pleadings. 

Ang naturang mga bagong judicial form ay maaaring i-download o kaya ay i-copy paste. 

Ang revised book of judicial form ay unang isinulat ni dating Supreme Court Chief Justice at ngayon ay Executive Secretary Lucas Bersamin noong siya ay isa pang trial judge. 

Nakapaloob din sa nasabing libro ang mga amendment sa Rules of Court. 

Sabi ni Associate Justice Felomina Singh, malaki ang naitulong sa kanya ng naturang libro noong siya pa ay kasalukuyang trial judge. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us