Mas hinigpitan pa nga sa halip na niluwagan.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa gitna ng kritisismo na ginawang relaxed o mas niluwagan ang ilang probisyon sa IRR ng Maharlika Investments Fund alang- alang sa political accommodations.
Ayon sa Pangulo, tanging nagkaroon lang naman ng pagbabago ay sa panig ng kapangyarihan ng board habang paulit – ulit aniya niyang binigyang diin na ayaw niyang magkaruon ng panghihimasok ang puwersa ng pulitika sa financial decision ng investment fund.
At patungkol sa kritisismo na may kapangyarihan siyang tanggapin o i- reject ang Isang board nominee, sinabi ng Pangulo na may hurisdiksiyon dito ang gobyerno.
Ang pamahalaan aniya ang mayroong pinakamalaking kapital kaya’t kailangan lang na pangalagaan ang interes ukol dito. | ulat ni Alvin Baltazar