Sandoval, Belmonte, Olivarez, nanguna sa job approval ratings ng NCR mayors — HKPH survey

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanguna ang tatlong alkalde sa National Capital Region (NCR) sa mga local chief executives na may pinakamataas na job approval rating batay sa survey ng HKPH Public Opinion and Research Center, kasama ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong.

Kabilang dito si Malabon Mayor Jeannie Sandoval na may 89.7% rating, Quezon City Mayor Joy Belmonte na may 89.5% rating at Parañaque Mayor Eric Olivarez na nakakuha ng 89.2%.

Magkahanay naman sa ikalawang pwesto sina Pasig Mayor Vico Sotto (87.5%) at Navotas Mayor John Rey Tiangco (86.8%).

Sinundan ito nina Makati Mayor Abigail Binay (85.3%), Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos Sr. (84.1%), at nina Manila Mayor Honey Lacuna (82.6%) at Pasay Ma­yor Emi Calixto-Rubiano na kapwa (81.7%).

Ayon kay Steven Su, survey direktor, nakatuon ang naturang job approval rating sa pamumuno at pamamahala, kahusayan ng mga alkalde sa paggawa ng desisyon, transparency, at accountability.

Sinuri rin dito ang pagpapatupad ng mga alkalde ng mga programa sa iba’t ibang sektor kabilang ang pabahay, kalikasan, at transportasyon.

Isinagawa ang survey mula November 3 to 10, kung saan aabot sa 1,200 ang lumahok. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us