Seaborne Patrol sa Tawi-Tawi, pinaigting laban sa di umano’y talamak na pamimirata sa karagatan ng Sitangkai

Facebook
Twitter
LinkedIn

Seaborne Patrol sa Bayan ng Sitangkai, Tawi-Tawi, pinaigting matapos kumalat ang balita na di umano’y talamak na naman ang piracy sa karagatan ng nasabing bayan.

Dahil sa napabalitang talamak na naman ang aktibidad ng mga pirata sa karagatan ng bayan ng Sitangkai, agad na nagpulong ang Municipal Peace in Order Council sa pamumuno ni Mayor Tiblan C. Ahaja, na dinaluhan ng PNP Maritime, Philippine Marines, PCG, mga Barangay Officcial at iba pang stakeholders para mapag-usapan at masulosyunan ang kumakalat na balita.

Matapos ang nasabing pagpupulong ng MPOC, agad na pina-igting ang Seaborne Patrol ng hanay ng Sitangkai Municipal Police Station, sa pamumuno ni P/Capt. Ardon A. Ahamad, sa hangaring masawata ang anumang insidente ng karahasan sa karagatan ng bayan ng Sitangkai, gamit ang kanilang motorized banca.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay P/Capt. Ahamad, sinabi nito na medyo pahirapan talaga ang pagpapatrolya sa bayan ng Sitangkai, pero di nila ito alintana, dahil ang hangarin naman nila ay upang mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan ng naturang bayan, higit sa lahat ay upang mapanatiling masigla ang kalakalan sa Sitangkai.

Dagdag pa ni P/Capt. Ahamad, matapos nilang isailalim sa masusing imbestigasyon ang napabalitang aktibidad ng mga pirata sa karagatan, aniya wala itong katotohan kundi may mga taong gusto lamang bahiran ng masamang imahe ang natumong kaunlaran at kasaganaan ng bayan ng Sitangkai.| ulat ni Sharon A. Jamasali| RP1 Tawi-Tawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us