Naniniwala si Senador Francis Tolentino na walang masama kung itutuloy ang civilian-led Christmas convoy patungong BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ang pahayag na ito ay sa kabila ng babala ng National Security Council (NSC) sa implikasyon sa seguridad ng naturang aktibidad.
Layon ng convoy na palakasin ang morale ng mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre na nasa gitna ng bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay Tolentino, ang pagbibigay ng regalo sa panahon ng kapaskuhan ay tradisyon na sa mga Pilipino.
Kaya wala siyang nakikitang mali kung gagawin din ito para sa tropa ng pamahalaan na nagsasakripisyo para sa pakikipaglaban sa sobaranya ng bansa.
Aminado mang malaki ang panganib nito sa kaligtasan ng mga sibilyan, sinabi ng mambabatas na dito na papasok ang papel ng mga otoridad upang tiyakin ang kaligtasan ng lalahok sa aktibidad.
“Giving Christmas gifts is part of our tradition, especially those dear to us. There is nothing wrong in doing the same especially for Filipino troops sacrificing within our jurisdiction. While there may be some risks involved, our authorities should ensure the safety of those involved. For the last several months I have been saying this- “dont spoil our Christmas”. | ulat ni Nimfa Asuncion