Tiniyak ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senador Raffy Tulfo na puspusan ang pakikipag-ugnayan ng kanyang opisina sa Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Foreign Affairs (DFA) para malaman ang kondisyon ng 17 Pinoy Seafarers na hinostage sa Yemen at masigurong makakauwi sila ng ligtas.
Nakuha ng mga rebeldeng Yemeni ang kontrol sa barkong Galaxy Leader na nagmula sa Turkey at papunta sana sa India, noong Nobyembre 19.
Pinahayag ni Tulfo ang pagkabahala niya tungkol sa report, na nahaharap sa ganitong klase ng panganib habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang mga kababayan natin para sa kanilang mga pamilya.
Binahagi ng senador, na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ating pamahalaan sa ibang bansa at pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya para masolusyunan ang problemang ito.
Kaugnay nito, isinusulong muli ni Tulfo ang kanyang panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers na magpapatibay sa mga karapatan ng mga marino, lalo na sa sitwasyong katulad nito. | ulat ni Nimfa Asuncion