Sen. Tolentino, hinimok ang Philippine Coast Guard na salubungin ang ‘Christmas convoy’ sa Ayungin Shoal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Senador Francis Tolentino na dapat pa ring ituloy ng isang pribadong grupo ang binabalak nilang ‘Christmas convoy’ patungong BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal.

Ayon kay Tolentino, dapat pa ring makarating sa ating mga sundalo ang mga ibibigay sa kanilang Christmas gift sa anumang paraan basta’t hindi ito makakagulo sa ating national security.

Tinutukoy ng senador ang plano ng grupong Atin Ito na mag-deliver ng Christmas gift sa mga sundalong nananatili sa BRP Sierra Madre, at nagpoprotekta sa soberanya ng Pilipinas sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.

Bilang tugon naman sa concern ng National Security Council (NSC) na posibleng magdulot ng gulo ang naturang aktibidad, minungkahi ng senador na mainam na salubungin na lang sila ng Philippine Coast Guard.

Giit ng Chairperson ng Senate Special Committee on Maritime and A+dmiralty zones, ang mga regalo ay dapat matanggap at hindi maharang. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us