Sen. Tolentino, pabor na ituloy pa rin ang Christmas convoy sa Ayungin Shoal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Senador Francis Tolentino na walang masama kung itutuloy ang civilian-led Christmas convoy patungong BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ang pahayag ay sa kabila ng babala ng National Security Council (NSC) sa implikasyon sa seguridad ng naturang aktibidad.

Layon ng convoy na palakasin ang morale ng mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre na nasa gitna ng bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay Tolentino, ang pagbibigay ng regalo sa panahon ng Kapaskuhan ay tradisyon na sa mga Pilipino.

Kaya wala siyang nakikitang mali kung gagawin din ito para sa tropa ng pamahalaan na nagsasakripisyo para sa pakikipaglaban sa soberanya ng bansa.

Aminado namang malaki ang panganib nito sa kaligtasan ng mga sibilyan, sinabi ng mambabatas, na dito papasok ang papel ng mga awtoridad upang tiyakin ang kaligtasan ng lalahok sa aktibidad. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us