Senado, target na maaprubahan ang panukalang 2024 national budget sa November 27

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang tinanggap ng Senado ang 2024 General Appropriations Bill (GAB) na inaprubahan ng Kamara.

Sa naging ceremonial turnover ceremony sa Batasang Pambansa ngayong hapon, ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na target ng Senado na maaprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang 2024 GAB o ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon sa November 27.

Kasabay ito ng pagtatapos ng 31st annual meeting of the Asia Pacific Parliamentary Forum na gagawin dito sa Pilipinas mula November 23-26.

Ngayong nasa Mataas na Kapulungan na ang 2024 GAB, inaasahang maiprepresenta na ni Senate Committee on Finance Chairman Senador Sonny Angara ang bersyon nila ng panukalang pambansang pondo sa susunod na linggo.

Tiniyak naman ni Zubiri na committed sila sa pagsunod sa timeline para sa pagpapasa ng panukalang pambansang pondo kahit pa kaakibat nito ang mahabang oras ng debate at deliberasyon sa plenaryo.

Nangako rin ang Senate leader na bubuhusan nila ng oras ang pagbusising maigi sa panukalang national budget. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us