Senate Committee on Ethics, iimbestigahan ang sinasabing ‘leak’ sa naging caucus ng mga senador nitong Lunes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magco-convene na ang Senate Committee on Ethics and Privileges para imbestigahan ang sinsabing pag-leak ng impomasyon sa mga napag-usapan sa ginawang all-senators caucus nitong Lunes, ika-6 ng Nobyembre.

Ayon kay Committee Chairperson Sen. Nancy Binay, ito ay bilang pagsunod sa naging utos ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos umalma ang mga senador sa isang news article na nagsasabing walo hanggang siyam na senador ang nagsusulong na ibalik ang confidential fund ng Office of the Vice President at ng Department of Education na kapwa pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ni Binay, alinsunod sa Section 126 ng Rules of the Senate, ang mga executive session ng Senado ay isinasagawa nang ‘closed door’ at tanging ang Senate Secretary, Sergeant-at-Arms, at mga taong awtorisado lamang ang papayagang dumalo.

Habang nakasaad naman sa Section 128 na pinagbabawalan ang sinuman na ilabas ang mga napag-usapan sa executive session na itinuturing na confidential.

Ayon kay Binay, ilulunsad nila ang imbestigasyon para makakalap ng mga dagdag na impormasyon sa leakage at para maprotektahan ang integridad at reputasyon ng mataas na kapulugan.

Gayunpaman, hindi na magbibigay ng dagdag na impormasyon ang kumite para na rin sa confidentiality ng paglilitis. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us