Senate Finance Committee, dinagdagan ang pondo para sa pagbili ng body camera ng PNP sa susunod na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinagdagan ng Senate Finance Committee ng P807-million ang panukalang 2024 budget ng Philippine National Police (PNP) para makabili ng mga dagdag na body camera.

Sa budget deliberation ng Senado, sinabi ng sponsor ng PNP budget na si Senador Sonny Angara na ang dinagdag nilang pondo ay para sa pagbili ng dagdag na 24,454 units ng body camera, na ang isa ay tinatayang nagkakahalaga ng P33,000.

Sinabi ni Angara na sa kasalukuyan ay mayroong 2,756 na perational body cameras ang PNP.

Sa bilang na ito, 2,696 ang binili ng gobyerno habang ang 60 naman ay dinonate sa PNP.

Samantala, nasa 45,552 ang kabuuang kailangang body camera ng PNP para sa buong Pilipinas. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us