Senate President Juan Miguel Zubiri, nag-abiso sa publiko tungkol posibleng epekto sa trapiko ng gagawing 31st Asia Pacific Parliamentary Forum simula bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humingi ng paumanhin si Senate President Juan Miguel Zubiri sa posibleng idulot na mabigat na daloy ng trapiko ng isasagawang 31st asia-pacific parliamentary forum simulas bukas hanggang sa Sabado sa PICC, Pasay City.

Ang Senado ng Pilipinas ang punong abala sa gagawing APPF.

Ito ang unang pagkakataon na maghohost ang Pilipinas ng APPF mula taong 1994.

Inaasahang dadaluhan ito ng 275 foreign delegates mula sa 19 na bansa mula sa Southeast Asia, Oceana, North Asia at America.

Base sa schedule, bukas ay magkakaroon ng welcome reception sa malakanyang ang mga delegado ng APPF.

Sa Biyernes naman ay maghohost si Senate President Zubiri ng dinner sa BGC habang farewell dinner naman sa Makati Shangri-La ang ihohost ni House Speaker Martin Romualdez.

Kaugnay nito, nanghingi na ng paumanhin at abiso si Zubiri sa publiko na maaaring makaapekto sa daloy sa mga nabanggit sa lugar ang mga magiging aktibidad ng APPF. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us