Naglabas na ng panuntunan ang Archdiocese of Manila sa nakatakdang simbang gabi ngayong taon.
Ayon sa kalatas na pirmado ni Archbishop Jose Cardinal Advincula, Arsobispo ng Maynila, maaaring magsimula ang Misa de Aguinaldo ng alas-7 ng gabi at ang pinakahuling misa para sa madaling araw ay alas-5:30 ng umaga.
Kabilang din sa inilabas na panuntunan ay ang anticipated mass, kung saan pinapayagan ito maliban sa anticipation mass ng Lunes kung saan inuuna ang Principle of Primacy of Sunday.
Sa mga anticipated mass, maaaring gamitin ang mga dasal at pagbasa para sa mga susunod na araw maliban na lamang tuwing Linggo.
Sakali naman na magkakaroon ng pagdiriwang ng simbang gabi sa ibang lugar maliban sa simbahan ay kinakailangan itong dumaan kay Advincula para sa permit.
Mayroon ding inihandang pagbabasbas ang simabahan para sa iba’t ibang imahe at parol na dala ng mga parokyano.
Sa huli ay hinimok ng arsobispo ang lahat na magdasal ng sama-sama bilang pamilya, para maging makabuluhan ang pakikipag-usap sa Diyos ngayong panahon ng kapaskuhn. | ulat ni Lorenz Tanjoco