Nanatiling normal ang sitwasyon ng pampublikong transportasyon sa Pasay sa unang araw ng transport strike ng grupong PISTON.
Naging normal ang pagdating ng mga PUV at mga modernized jeepney sa bahagi ng Baclaran sa Pasay City.
Mabilis na nakasakay ang mga pasahero na kalimitan ay papasok na ng kanikanilang trabaho kaninang umaga.
Hindi rin nagpatupad ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan ng Pasay upang kumita pa rin ang mga jeepney driver na hindi naman lalahok sa tigil pasada. | ulat ni AJ Ignacio