Socioeconomic interventions ng DSWD sa mga dating combatants at rebelde, 99% matagumpay ayon sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing ni DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan A. Tanjusay na 99% matagumpay ang mga inilalatag na socioeconomic interventions ng kagawaran para matulungan ang mga dating combatants at rebelde na makapagbagong buhay

Sa DSWD Forum, inilatag ni Usec. Tanjusay ang ibat ibang programa ng ahensya sa mga sumusukong dating miyembro ng NPA-CPP, MILF, MNLF at Abu Sayyaf Group.

Kabilang rito ang tulong pinansyal sa ilalim ng social protection package, cash-for-work at livelihood grants nang magkaroon sila ng pagkakakitaan.

Sa tala ng DSWD, as of Nov. 23, mayroon nang higit sa 26,000 decommissioned combatants, 907 MNLF members, 322 ex-abu sayyaf members 17,499 na ex-NPA rebels ang naayudahan ng kagawaran.

Ayon kay Usec. Tanjusay, malaking bagay ang ginagawang pag-agapay ng pamahalaan upang matugunan ang kahirapan na dinaranas ng mga dating combatant at rebelde, na siya aniyang pangunahing dahilan kung bakit sila nakumbinse noon na humawak ng armas at kalabanin ang gobyerno.

Kaugnay nito, pinaplano naman ng DSWD na magtayo ng tatlong Peace and Development Regional project management office sa Region 9, Region 10 at Region 12 na siyang tututok sa pagpapatupad ng mga peace program sa mga former rebel.

Naniniwala si Tanjusay na sa inisyatibong ito at sa patuloy na pagsisikap ng AFP at DND ay posibleng matuldukan na ang arm conflict sa bansa sa ilalim ng Administrasyong Marcos. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us