SolGen Guevarra, nanindigan na wala nang hurisdiksyon ang ICC para imbestigahan ang Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nanindigan si Solicitor General Menardo Guevarra na wala nang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) para magsagawa pa ng imbestigasyon kaugnay sa ipinatupad na drug war ng nakaraang administrasyon.

Kaugnay ito sa pagtalakay ng House Committees on Justice at Human Rights sa tatlong resolusyon, na nananawagan para sa mga ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon ng ICC.

Punto ni Guevarra, bagamat may desisyon na aniya ang Korte Suprema na sakop o may hurisdiksyon pa rin ang ICC sa mga krimen na naganap bago maging epektibo ang withdrawal o pagtiwalag ng Pilipinas sa Rome Statute noong March 17, 2019 — para ma-exercise o maipatupad ang hurisdiksyong ito ay kailangan na miyembro pa rin ng ICC ang Pilipinas.

Magkagayunman, ang exercise of jurisdiction ay na-trigger lamang aniya nang maghain ang ICC Prosecutor ng request sa ICC pre-trial chamber na maimbestigahan ang Pilipinas noon lamang May 2021, at naaprubahan noong September 2021.

Dalawang taon na ang lumipas mula sa pagiging epektibo ng pagkalas ng Pilipinas sa pagiging miyembro ng ICC.

Sa panig naman ng Department of Justice, sinabi ni Prosecutor Hazel Decena-Valdez, bagamat iginagalang ng ahensya ang ‘sense of the House; sa paghahain ng naturang mga resolusyon ay kaisa sila sa posisyon ng Solicitor General.

Dagdag pa nito, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng DOJ sa mga pagkasawi na may kaugnayan sa drug-related operations.

Aniya, ayaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maalala ang Pilipinas bilang isang pamahalaan na walang ginawa kaugnay sa naturang mga insidente. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us