Solidarity Ride to End VAW, lumarga sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang pakikiisa sa kampanya laban sa karahasan sa kababaihan o violence against women (VAW), isang solidarity ride event ang umarangkada ngayong umaga sa Lungsod Quezon.

Pinangunahan ng Commission on Human Rights, UN Women, University of the Philippines Center for Women’s Studies Foundation Inc at ng iba pang advocates ang #SafeCity Caravan na kick-off event sa 18-araw-na-Kampanya Kontra Karahasan sa mga Kababaihan.

Magsisimula ang Caravan sa Quezon City Memorial Circle patungong tanggapan ng Commission on Human Rights Office, sa Commonwealth Avenue.

Layon nitong patuloy na isulong ang gender equality, at paigtingin ang mga hakbang upang maiwasan at matuldukan ang mga karahasan sa mga kababaihan.

Kaugnay nito, naglabas na rin ng Traffic Advisory ang QC LGU para magabayan ang mga motorista.

Ayon sa pamahalaang lungsod, inaasahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsada:

• Kalayaan Avenue
• Kamias Road
• Matalino Street
• East Avenue
• Elliptical Road
• Commonwealth Avenue
• Tandang Sora Avenue

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us