Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri na ayusin ang tax refund program ng pamahalaan para sa mga dayuhang kumpanyang namumuhunan sa ilipinas.
Sa budget deliberations ng Senado para sa panukalang 2024 national budget, ibinahagi ni Zubiri na ilang Japanese company na ang nagbabantang umalis ng Pilipinas at mamuhunan na lang sa ibang bansa dahil sa problema sa tax refund.
Isa aniya ito sa mga napag-usapan nila ni Japanese Prime Minister Kishida umio nang bumisita ito sa ating bansa nitong weekend.
Ayon kay Zubiri, nangako siya kay Kishida na aayusin ng Pilipinas ang ating value added tax (VAT) refund system.
Ipinaabot naman ni Senate Committee on Finance Chair Sonny Angara ang tugon ng economic managers ng administrasyon, na nakatakda nang magbayad ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa loob ng 90 araw.
Gayunpaman, ang ilan aniyang may kaso nang naisampa sa korte ay kinakailangan munang hintayin ang pinal na desisyon ng kaso. | ulat ni Nimfa Asuncion