Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri ng pagkakaisa para makamit ang kapayapaan sa Asia Pacific Region at sa iba pang bahagi ng mundo.
Ito ang bahagi ng mensahe ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa ginawang inaugural ceremony ng 31st Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) ngayong hapon.
Pinunto ni Zubiri ang nangyayaring kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Nariyan rin aniya ang mga krimen na mas nagiging organisado at transnational na gayundin ang misinformation at disinformation na nagagamit para pahinain ang pundasyon ng demokrasya.
Ang mga bagay na ito aniya ay direktang banta sa kapayapaan at stabilidad sa rehiyon.
Sa gitna ng mga ito, pinanawagan ni Zubiri na tumatayong chairperson ng 31st APPF na piliin ang kapayaan. | ulat ni Nimfa Asuncion