Sponsor ng naipasang Nuclear Energy Safety Act sa kamara, umaasang masuportahan din ito ng senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Pangasinan Rep. Mark Cojuangco na maisusulong din sa senado ang naipasang panukala sa kamara sa Nuclear Energy Safety.

Tinukoy nito ang House Bill 9293, o ang proposed Philippine National Nuclear Energy Safety Act na pasado na sa ikatlong pagbasa sa plenaryo ng kamara.

Sa ilalim ng panukala, nakapaloob ang pagtatatag ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority o PhilATOM, na bibigyan ng eksklusibong otorisasyon sa regulasyon at pamamahala ng ligtas at secure na paggamit sa nuclear energy at radiation sources.

Ito aniya ang unang hakbang sa hangarin na masimulan na ang nuclear energy development sa bansa. Ayon sa mambabatas, may mga kahanay na ring panukala na itinutulak sa senado gaya ng Senate Bill 1994 ni Sen. Francis Tolentino o ang Philippine Nuclear Regulation Act.

Sinabi pa ni Cojuangco na makikipagugnayan pa ito sa ibang senador upang agad na maisulong ang panukala.

Kaugnay nito, hinikayat rin ng mambabatas ang Department of Energy na lumagda na sa isang Inter-Governmental Agreement (IGA) sa iba pang nuclear selling countries na maaaring maging opsyon ng bansa sakaling lumarga na ang nuclear energy development.

Kasama pa sa isinusulong ng mambabatas ang Nuclear Liability Act at ang Nuclear Incentives Act.

Sa panig naman ng Alpas Pinas na isang non-stock, non-profit organization, sinabi nitong napapanahon nang balikan ang potensyal ng nuclear energy na magiging susi rin sa economic growth ng bansa.

Sa pamamagitan kase aniya nito, posible na matamasa ng bawat pilipino ang mura, malinis at maasahang kuryente. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us