SSS, binigyan ng notices of violation ang walong delinquent employers sa Paranaque City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyan lang ng 15 araw ng Social Security System (SSS) ang walong business employers sa Parañaque City na i-settle ang kanilang contribution delinquencies.

Ang walong delinquent employers mula sa Sun Valley at Merville ay pinayuhan na makipag-ugnayan sa SSS Bicutan-Sun Valley Branch.

Ayon sa SSS, inisyuhan ang mga retail establishment ng notices of violation sa isinagawang Run After Contribution Evaders (RACE) operation kamakailan.

Natuklasan na mayroong P1.70-million unpaid contributions at karampatang penalties ang mga employer na nakaapekto sa 82 manggagawa nito.

Kapag nabigo ang mga employer na bayaran ang kanilang obligasyon ay tuluyan na silang masampahan ng kasong sibil at kriminal dahil sa paglabag sa Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us